Posts

Tamang Paggamit ng Wika sa Politika

Image
  Paano nga ba ginagamit ang wika pagdating sa politika o pampulitika at bakit ito mahalaga? Ginagamit ng wasto ang wika sa politika sa pamamagitan ng pagsasalita o paglalahad ng mga salita o bawat mensahe rito. Mahalaga rin ang wastong paggamit ng wika sa politika o pampulitika upang mas mailahad at maintindihan ito nang maayos ng mga tao, mambabasa, o makikinig ng inyong mensahe.   Halimbawa na lamang ng kung paano ginagamit ang wika sa pampulitika ay ang mga paguusap ng mga senador sa senado gamit ang pormal na pakikipagusap. Puwede rin sa mga lugar kung saan may nagaganap na pagtakbo bilang isang Kapitan o Sangguniang Kabataan ng isang barangay sa isang partikular na lugar. Sa paraan nila ng paglalahad ng mga mensahe patungkol sa kanilang mga plano para sa barangay ay isang maituturing na tamang paggamit ng wika lalo na kung ito ay naiintindihan ng mga tao. Gaya ng karaniwan nating ginagawa sa pang-araw-araw nating pakikipag-komunikasyon gamit ang wika, dapat ay ganoon din...